GMA Logo Boy Abunda, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla
Source: bernardokath (Instagram)
What's Hot

Boy Abunda says KathNiel's split shocked him the most out of all celebrity breakups

By Jimboy Napoles
Published May 22, 2024 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCAA Season 101 basketball commissioner releases statement on league rules and player suspensions
Talisay City, Cebu flagged for ineligible expenses charged to disaster funds
New LRT-1 'KasakaySayan' turns trains into historical classrooms

Article Inside Page


Showbiz News

Boy Abunda, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla


Boy Abunda sa KathNiel breakup: “Akala ko, it was going to go smooth. Hindi pala.”

Inamin ng King of Talk na si Boy Abunda na ang breakup nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pinaka-ikinagulat niya sa lahat ng mga naging separation ng celebrity couples kaniyang buong career sa industriya.

Sa latest vlog ng isa ring TV host na si Luis Manzano, naka-one-on-one interview niya si Boy kung saan napag-usapan nila ang mahabang career journey nito sa showbiz.

Kaugnay nito, tinanong ni Luis si Boy, “Kaninong showbiz breakup ang nagulat ka?”

Sandaling nag-isip ang batikang TV host, at sagot niya, “The first, again, couple that comes to mind is Daniel and Kathryn. I was shocked. Oo. Because during COVID, I did an interview with Daniel…Hindi ako ready do'n, I was shocked. 11 years together, and I'm a fan.”

Kuwento pa ni Boy, “In that interview, Luis, tinanong ko si Daniel, what is worse than betrayal? I remember the question. What is worse than betrayal? Ang ganda-ganda ng sagot, 'yun ang takeaway ko du'n sa pag-uusap na 'yon. Sabi niya, being forgiven.” .

Dagdag pa ng Fast Talk host, “Isipin natin. Totoo 'yun. 'Yung to be forgiven na parang, 'Wow, naintindihan ako, napatawad ako, pagkatapos ng kasalanan ko.' I realized that. It triggered a long conversation I had with Bong [Quintana]. Sabi ko, 'Oo 'no, come to think about it.' So, having come from that interview, akala ko, it was going to go smooth. Hindi pala. It was a misread.”

Matatandaan na tumagal ng 11 years ang relasyon nina Kathryn at Daniel at kinilala rin bilang isa sa mga pinakamatagumpay na loveteams sa showbiz. Pero noong November 2023, ginulat ng KathNiel ang publiko nang kumpirmahin nila ang kanilang breakup sa pamamagitan ng magkahiwalay na posts sa Instagram.

Sa kabila ng mga kumakalat na ispekulasyon, hindi naman sinabi nina Kathryn at Daniel ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sa ngayon, makikitang abala na ang dalawa sa kani-kanilang mga showbiz career. Si Kathryn, nakatakda nang sumabak sa taping ng pelikulang Hello, Love, Again, na sequel ng 2019 hit film na Hello, Love, Goodbye, kung saan katambal niya ang Kapuso actor ay Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.

Samantala, mapapanood naman si Boy Abunda sa kaniyang Kapuso daily talk show na Fast Talk with Boy Abunda at sa kaniyang talk special na My Mother, My Story.

RELATED GALLERY: Celebrity breakups that shocked the public