
Magsisimula na ang more tawa, more saya, at more love episodes ng Family Feud!
Ngayong February 2, kilig overload ang inihanda ang boys of Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0. Ito ay ang panimulang handog sa two-week Valentine special ng Family Feud.
Maglalaro sa team PBB Heartthrobs ang Sparkle artist at Ang Astig Anak-tion Star of Baguio na si Anton Vinzon, at ang Optimistic Apo of Tarlac na si Rave Victoria. Makakasama nila ang mommy ni Anton na si Jen David at ang daddy ni Rave na si Rey Victoria.
Pangungunahan naman ang team PBB Charmers ni Kapuso young actor at Dutiful Langga of Cebu na si John Clifford at ang Courtside Charmer of Albay na si Fred Moser. Kasama rin dito ang mommy ni John na si Sophia Gawchua at ang kapatid ni Fred na si Alexis de Silva.
Abangan ang unang more tawa, more saya, at more love episode ng Family Feud ngayong February 2, 5:40 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP10,000 up to PhP100,000!