
Nakabalik na sa South Korea si Geum Jan-di kasama si Yoon Ji-hoo.
Matatandaang nagtungo sa Macau ang dalaga para makita at makausap si Gu Jun-pyo dahil bukod sa miss na miss niya ito, hindi malinaw sa kanya ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Ngayon ay malinaw na kay Jan-di ang lahat. Ayaw na sa kanya ni Jun-pyo at pinutol na nito ang anumang koneksyon sa kanya. Ngunit nananatili pa ring malabo ang dahilan ni Jun-pyo na bigla na lang lumipad patungong Macau nang wala paalam at anim na buwang hindi nagparamdam.
Lingid sa kaalaman ni Jan-di, mahal pa siya ni Jun-pyo at lagi niyang sinusubaybayan si Jan-di sa Macau. Kahit hindi mapigilan ang nararamdaman, hindi niya magawang bigla na lang lumapit sa dalaga, humingi ng tawad, at makipag-ayos dito.
Lumipas ang mga araw at bumalik na rin sa South Korea si Jun-pyo. Sa kanyang pagbabalik ay naghanda ng enggrandeng party ang kanyang ina na si Kang Hee-soo.
Ang party ay para sa matagumpay na pamamahala ni Jun-pyo sa Shinhwa Group bilang kahalili ng kanyang ama na nakaratay sa ospital.
Pero hindi lamang pala ito ang pakay ni Hee-soo sa pagsasagawa ng party, dito niya rin inanunsiyo ang nalalapit na kasal ni Jun-pyo.
Laking-gulat ni Jun-pyo sa ibinalita ng ina. Wala siyang kaalam-alam sa plano nitong arranged marriage.
Samantala, bukod sa mga mayayamang bisita ni Hee-soo, naroon din sa pagtitipon ang iba pang miyembro ng F4 na sina Ji-hoo, Yi-jung, at Woo-bin at si Jan-di.
Sinadyang imbitahin ni Hee-soo si Jan-di sa party para ipamukha rito na hindi sila nababagay ni Jun-pyo at hindi siya papayag na maging magkarelayon sila ng unico hijo niya.
Mas ikinabigla naman ng anim kung sino ang tinutukoy ni Hee-soo na fiancée ni Jun-pyo. Ito ay walang-iba kundi si Ha Jae-kyung, ang babaeng tumulong kay Jan-di mula sa snatcher at ang babaeng nakaalitan ni Jun-pyo sa isang mall.
Source: Boys Over Flowers
Gaya nila, hindi rin alam ni Jae-kyung ang tungkol sa engagement niya. Nung una ay tutol din siya rito ngunit kalaunan ay nagustuhan niya na rin si Jun-pyo.
Gagawin niya ang lahat para lamang magustuhan ni Jun-pyo. In the process, naging kaibigan niya si Jan-di.
Hindi naman tumutol dito si Jan-di dahil mabait si Jae-kyung. Hindi ito gaya ng ibang mayayaman na nakilala niya na matapobre at masama ang ugali.
Matutuloy kaya ang kasal nina Jun-pyo at Jae-kyung?
Source: Boys Over Flowers
Subaybayan ang Boys Over Flowers mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 ng gabi, sa GTV!
Sa mga manonood abroad maaari rin itong mapanood via GMA's flagship international channel, GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bumisita sa www.gmapinoytv.com.
Kilalanin ang cast ng Boys Over Flowers sa gallery na ito: