GMA Logo mika salamanca and brent manalo
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

Brent Manalo and Mika Salamanca, binigyan ng P50K ang 'Laro Laro Pick' contestant

By Dianne Mariano
Published February 10, 2026 1:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Campus journos in W. Visayas compete in RSPC 2026
UN official cites challenges in prosecuting corrupt officials in PH
Janno Gibbs brings back classic hits to relive the magic ahead of new single

Article Inside Page


Showbiz News

mika salamanca and brent manalo


Nagkasundo sina 'The Secrets of Hotel 88' stars Brent Manalo at Mika Salamanca na magbibigay sila ng PhP50,000 sa contestant na si Raf matapos hindi masagot ang tanong sa jackpot round ng "Laro Laro Pick."

Muling naghatid ng saya sina Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner Duo na sina Brent Manalo at Mika Salamanca sa It's Showtime nitong Lunes, February 9

Sumalang ang The Secrets of Hotel 88 stars sa segment na "Laro Laro Pick" kasama ang mga contestant na mula sa Meycauayan, Bulacan. Umabot sina Brent at Mika sa jackpot round ng naturang segment at ang nabunot nila na eliminated player ay ang 19-year-old Architecture student na si Raf.

Napili naman ni Raf na si Brent ang maglalaro para sa kanya sa jackpot round. Pinili ni Brent ang "Pot" at hindi ang "Li-Pot" na mayroong PhP50,000. Ang Pot question para sa huling round ay kung ano ang kabisera o capital ng lalawigan ng Batanes, ngunit hindi ito nasagot ni Brent.

Hindi man nakuha ang PhP550,000 na jackpot prize ay nagkasundo sina Brent at Mika na magbibigay sila ng PhP50,000 para kay Raf.

Labis ang pasasalamat ni Raf kina Brent at Mika dahil aniya'y malaking tulong ito sa kanyang pag-aaral at pamilya.

"Thank you so much po. Malaking tulong po sa studies ko at makakapagbigay din po ako sa family ko," aniya.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.