
Naghatid ng saya at kilig vibes ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Winner Duo na sina Brent Manalo at Mika Salamanca sa It's Showtime ngayong Martes.
Ipinamalas nina Brent at Mika ang kanilang talento sa pag-awit nang i-perform ang kanilang latest single na “What If Tayo?”
Matapos ito, labis ang saya ng Sparkle star na makapag-perform muli sa stage ng noontime variety show.
"Grabe sobrang saya pong mag-perform dito sa Showtime stage. And ang narinig n'yo po na performance is 'yung 'What If Tayo?' performed by yours truly at siyempre, kasama ko po ang aking duo for life, Brent Manalo!" aniya.
Nagpapasalamat naman si Brent sa fans dahil sa pagsuporta sa kanilang latest single ni Mika.
Bukod dito, tinanong din ni Karylle sina Brent at Mika kung ano pa ang kanilang “what if” sa buhay na hindi pa nasasagot.
Unang sumagot dito si Brent at sinabi, “Alam mo Ate K, wala na akong what if kasi ako dinidiretso ko na agad.”
“Ako rin naman ah, ako din, wala rin akong what if. Lagi rin akong sumasagot. Diretso rin ako,” sagot naman ni Mika.
Humirit naman si Jackie Gonzaga at sinabing siya na lang ang may “what if.” Aniya, “What if ma-meet ko na 'yung the one?”
Noong Setyembre, matatandaan na ini-release ang "What If Tayo" nina Mika at Brent, at kasalukuyan nang napapanood ang music video nito, na mayroong mahigit 700,000 views sa YouTube.
Samantala, patuloy na subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA.
RELATED GALLERY: The PBB journey of big winners Mika Salamanca and Brent Manalo