
Nagbigay ng dagdag na saya at kilig sina Brent Manalo, Ralph de Leon, River Joseph, sa pagdalo nila sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) Kickoff and Announcement of the First Batch of Official Film Entries.
Mainit na sinalubong ng mga dumalo ang tatlong personalidad, na nakisaya sa pagdiriwang bilang bahagi ng opisyal na pagsisimula ng isa sa pinakamalalaking taunang selebrasyon ng pelikulang Pilipino.
Idinaos ang kickoff event bilang hudyat ng pag-aanunsyo ng unang batch ng mga opisyal na kalahok sa 52nd MMFF, na inaasahang muling magtatampok ng iba't ibang pelikulang likha ng mga Filipino filmmaker.
Ang 52nd Metro Manila Film Festival ay inihahatid ng PlayTime Entertainment at produced ng Toplex Media and Entertainment.
TAKE A LOOK AT BRENT MANALO'S PHOTOS FROM 'THE SECRETS OF HOTEL 88'