
Napa-relapse si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Kapamilya big winner Brent Manalo sa pagbubukas ng Bahay Ni Kuya noong Sabado, October 25, para sa bago nitong season--ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0.
Sa kanyang Instagram Stories, nagbigay ng "good luck" message si Brent para sa bagong batch ng housemates ngayon.
"Best of luck to the new set of housemates," sulat ni Brent.
Binanggit din ng aktor sa kanyang post ang kanyang "PBB fam."
Ang duo nina Brent Manalo at Mika Salamanca ang itinanghal na "Big Winners" ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition noong July 2025.
Abangan ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 nang live sa GMA, Kapuso Stream, ABS-CBN Entertainment YouTube channel tuwing weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
SAMANTALA, BALIKAN ANG PBB JOURNEY NG BIG WINNER DUO NA SINA MIKA SALAMANCA AT BRENT MANALO SA GALLERY NA ITO: