
Cravings satisfied ang sikat na Filipino-American influencer na si Bretman Rock sa kanyang muling pagbisita sa Pilipinas.
Sa kanyang social media post noong Sabado (May 16), nag-pose siya sa isang street habang makikita sa kanyang likuran ang isang sari-sari store.
Ibinahagi rin niya ang videos ng kanyang excitement na makakain ng sinigang na baboy.
"Came to the motherland PH for a quick sec to eat sinigang baboy," caption niya sa kanyang post.
At nang matikman na ang sinigang na baboy na kanyang in-order, kitang-kita ang satisfaction sa naging reaction ni Bretman.
"This is the best thing I ever put in my mouth, like... there is just really nothing like Filipino food. I'm emotional," sabi niya.
Sa comments section ng kanyang post, inalok siya ng celebrity entrepreneur na si Marvin Agustin na paglutuan ng sinigang.
"Can i make you try my sinigang? Baka you will like it," sulat ni Marvin.