
Ilang Kapuso celebrity kids ang ating makakasama ngayong Sabado sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Sa September 4, makaka-bonding nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi sina Brianna, Angela Alarcon, at Sandro Muhlach.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Si Brianna na anak ng comedy icon na si Michael V ay bibigyan tayo ng tour ng kanilang bahay. Mapapanood rin ang father and daughter tandem ng dalawa ngayong Sabado.
Ang anak ni Jestoni Alarcon na si Angela ay makakasama rin natin sa isang tour at magbibigay pa siya ng ilang fun facts tungkol sa kaniya.
Ang panganay na anak naman ni Niño Muhlach na si Sandro ay may preview rin ng kanilang tahanan. Mayroon pa siyang ibabahaging detalye tungkol sa kaniyang pagsisimula bilang isang theater actor.
Bukod sa fun and exciting features ng Kapuso stars, abangan din ang 5k Giveaway Promo para manalo ng PhP 5000.
Tutok na sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Kapuso Showbiz News: Sandro Muhlach at Brianna, excited nang makatrabaho ang kapwa celebrity kids