GMA Logo Bride of the Water God
What's Hot

Bride of the Water God: Naiipit si Lara sa away ng mga diyos | Week 3

By Aimee Anoc
Published August 14, 2023 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Bride of the Water God


Totoo kayang nawala nina Moora at Biryeom ang sagradong mga bato?

Sa ikatlong linggo ng Korean fantasy series Bride of the Water God, sa pangatlong pagkakataon muling nakipagkita si Habaek (Nam Joo-hyuk) kay Moora (Krystal Jung) para kumbinsihin ang huli na ibigay na sa kanya ang sagradong bato na nasa pangangalaga nito. Pero muling nabigo si Habaek.

Masaya naman si Biryeom (Gong Myung) sa desisyong ito ni Moora. Para naman kay Biryeom, ibibigay lamang niya kay Habaek ang sagradong batong nasa kanyang pangangalaga kung mauunang ibigay ni Moora ang sagradong bato nito.

Nang malaman kung ano ang ginagawa ng isang psychiatrist, pumunta si Habaek sa clinic ni Lara (Shin Se-kyung) para alamin ang ikinikilos nina Moora at Biryeom. Pagdating sa clinic ay siya namang pag-alis ni Biryeom dito kasama si Lara. Nagkaroon ng habulan sa pagitan nina Biryeom at Habaek.

Nakipagkasundo naman si Biryeom kay Lara na kung tutulungan siya nito sa kanyang ninanais ay ipinapangako nito na payayamanin niya ang huli. Pero binasag lamang ni Lara ang boteng ibinigay sa kanya ni Biryeom para ipainom kay Habaek.

Sa kabila ng pagtanggi ni Lara, muling sinabihan ito ni Biryeom na maging wais sa pagpili na nararapat nitong pagsilbihan. Sa pagdating nina Habaek at Moora sa kanilang kinaroroonan, dito na sinubok ni Biryeom ang kapangyarihan ni Habaek sa pamamagitan ng pagpapahirap kay Lara.

Pero hindi ibinigay ni Habaek ang ninanais ni Biryeom, sa halip ay isiniwalat nito na nawala nina Biryeom at Moora ang sagradong mga bato.

Patuloy na subaybayan ang Bride of the Water God, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG BRIDE OF THE WATER GOD SA GALLERY NA ITO: