GMA Logo bride of the water god
What's Hot

Bride of the Water God: Paghingi ng tulong ni Habaek kay Lara | Week 2

Published August 7, 2023 10:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds four new classrooms in Bohol this year
Balitang Bisdak: December 15, 2025 [HD]
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

bride of the water god


Paano kaya mapapaniwala ni Habaek si Lara na isa siyang diyos?

Sa ikalawang linggo ng Korean fantasy series Bride of the Water God, para makuha ang trono na nararapat sa kanya at kilalanin bilang hari ng mga diyos, kinakailangan ng water god na si Habaek (Nam Joo-hyuk) na makuha ang tatlong sagradong bato na nasa mundo ng mga tao, na hinati sa tatlong diyos na tagapangalaga na nasa lupa.

Sa pagdating sa mundo ng mga tao kasama ang tagasunod niya, nawala ang kapangyarihan ni Habaek. Kaya naman wala itong ibang nagawa kung hindi ang humingi ng tulong kay Lara (Shin Se-kyung), isang psychiatrist at ang tanging natitira mula sa angkang nakatadhanang maglingkod sa mga diyos.

Noong una, hindi agad naniwala si Lara na isang diyos si Habaek at napagkamalan itong may sakit sa pag-iisip. Pero kalaunan ay tinanggap niya na rin ito at pinatira sa kanyang bahay.

Hindi naging madali para kay Habaek ang bagong mundong pinuntahan niya, pero dahil sa katangian niyang pagiging diyos, mabilis niyang natutunan ang iba't ibang gawain ng mga tao kahit unang beses pa lamang niya itong nakita.

Madaling nahanap ni Habaek ang kinaroroonan ng water goddess na si Moora (Krystal Jung), na kapwa tagapangalaga ng sagradong mga bato, at ang sky god na si Biryeom (Gong Myung).

Patuloy na subaybayan ang Bride of the Water God, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 p.m. sa GMA.

KILALANIN ANG CAST NG BRIDE OF THE WATER GOD SA GALLERY NA ITO: