
Nagbabalik-telebisyon ang kinagiliwan at pinag-usapang drama anthology na Karelasyon.
Sa April 10 episode nito, natunghayan ang malagim na pangyayaring gumulantang sa konserbatibong magkasintahan na sina Martin (Ervic Vijandre) at Sandra (Yasmien Kurdi) bago ang kanilang kasal.
Para sa kanila, sagrado ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib. Matagal na rin namang naghintay ang dalawa para sa espesyal na araw na ito. Pero ang sagradong selebrasyon, nabahiran ng isang malagim na trahedya.
Sa isang iglap lang, ang pinakaiingat-ingatan ni Sandra ay madaling nayurakan matapos siyang gahasain ng pinsan ni Martin na si Theo (Lucho Ayala).
Halos hindi mapatawad ni Martin ang kanyang sarili dahil hindi niya naipaglaban ang babaeng dapat sana ay kanyang pinoprotektahan.
Dito na ba matutuldukan ang kanila sanang panghabambuhay na pag-iibigan?
Sa mga nais balikan ang full episodes ng Karelasyon, pumunta lang sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.