What's Hot

Brillante Mendoza, na-stress sa pagdidirek ng unang SONA ni Pangulong Duterte

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 22, 2020 2:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News



Bago naganap ang SONA, kabado raw ang batikang direktor dahil labing-walong kamera ang minamaniobra ng kanyang grupo sa control room.


Inamin ng award-winning director na si Brillante Mendoza na na-stress umano siya sa pagdidirek ng kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. 

Bago naganap ang SONA, kabado raw ang batikang direktor dahil labing-walong kamera ang minamaniobra ng kanyang grupo sa control room ng RTVM at hindi sila nakapag-rehearse kasama ang presidente.

Bagama't puno ng tensiyon ang naramdaman ng grupo sa loob ng kuwarto, maayos naman ang kinalabasan ng talumpati ng pangulo. Saad ni Brillante, “Masaya ako [pero] nakaka-stress lang ‘pag maraming [adlib] kasi hindi mo na alam eh.”

Maraming anggulo ang nakunan ng direktor at ang kanyang binigyang-diin ay mula sa baba, “It shows power and we want to show power. We want to show a powerful president, ‘di ba? ‘Yun ang kanyang mensahe, that he’s in control and he knows what he’s talking [about].”

READ: Inday Sara Duterte, nag-react sa kontrobersyal na camera angles sa unang SONA ni Pres. Duterte

Nakuha rin niya ang mga hand gestures at nuances ni Digong, “Importante ‘yun sa akin eh kasi ‘yun ‘yung kanyang expression. Doon mo nakikita ‘yung sincerity ng tao – sa kanyang nuances [at] sa kanyang movements.”

Bumuhos ang iba’t ibang komento sa social media patungkol sa estilo ng direksyon ni Brillante ngunit umaasa siya na ang mensahe pa rin ng pangulo ang napagtuunan ng pansin.
 
“Sana mas nakuha nila ‘yung message kung [bakit] ‘yun ang style. Hindi talaga siya static [at] gusto natin [ay] iba eh. Nakita natin ‘yung presidente, ang dami niyang adlib so dapat lang ma-capture ‘yun at ‘di ko iniiwasan ‘yun dahil ‘yun siya eh,” pagtatapos ng Cannes Film Festival 2009 Best Director.

Video courtesy of GMA News

MORE ON PRESIDENT DUTERTE’S SONA:
 
IN PHOTOS: Mga personalidad at kanilang kasuotan sa #Du30UnangSONA

Netizens, pinuri si Bayang Barrios sa pagkanta ng 'Lupang Hinirang' sa SONA ni Pres. Duterte

MUST-READ: Celebrities laud President Duterte's plan to lower personal & corporate income taxes