
Isa sa sinubaybayan ng viewers at netizens sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ay ang katatapos na ikatlong nominasyon sa loob ng Bahay ni Kuya.
Related gallery: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Inanunsyo na ni Big Brother sa latest episode ng programa kung sinu-sino ang bagong nominadong Kapuso at Kapamilya housemates.
Tatlong male celebrity duos ang nasa listahan: sina Brent Manalo at Vince Maristela (BrInce), Michael Sager at Emilio Daez (MiLi), at Ralph De Leon at Dustin Yu (RasTi).
Base sa pahayag ng ilang housemates, sina Dustin Yu, Vince Maristela, Michael Sager, at Emilio Daez ang napansin ng karamihan sa housemates na hindi umano masyadong open at hindi nakasundo ng ilan sa kanilang previous task.
Kasalukuyang safe sa nominasyon sina Bianca De Vera at AZ Martinez matapos nilang makuha ang immunity shield mula sa kanilang latest task.
Samantala, ang mga bagong pasok naman sa Bahay ni Kuya na sina Shuvee Etrata at Xyriel Manabat ay hindi pa kabilang sa ikatlong nominasyon.
Sino kaya ang susunod na celebrity duo na magpapaalam na sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition?
Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.
Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.