
Magpapatuloy sa kanilang journey bilang Sparkle artists ang mga heartthrobs na sina Will Ashley at Bruce Roeland matapos silang mag-renew ng kontrata sa talent management arm ng GMA Network last Friday, September 22.
Present ang dalawa sa star-studded “Signed for Stardom” event kung saan ilan sa mga big names ng GMA tulad nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Paolo Contis, David Licauco, at Kapuso Action -Drama Prince Ruru Madrid ang nanatili pa ring Kapuso.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras kina Will at Bruce, tinanong sila kung sino-sino ang mga dream leading ladies nila na gustong maka-work in the future.
Sabi ng Unbreak My Heart actor na gusto niya makasama sa project ang “crush” niya na si Julie Anne San Jose.
“Dati pa crush ko na siya simula noong nagsisimula pa lang ako sa showbiz. Kasi very talented siya [Julie Anne San Jose],” sabi ni Will.
Samantala, sinabi ng Open 24/7 hunk na si Bruce Roeland na si Kylie Padilla ang napipisil niya na maging leading lady.
Paliwanag ng Fil-Belgian actor, “Siya [Kylie Padilla] talaga 'yung, I know, parang 'Ate' siya para sa akin, pero siya talaga 'yung dream girl. Kumbaga, magka-girlfriend ako in the future it will be a girl like her.”
“Kasi, it's something about her personality.”
TINGNAN AND BODY TRANSFORMATION NI BRUCE ROELAND SA GALLERY NA ITO: