What's on TV

Bruce Roeland, gaganap bilang bugaw sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published July 4, 2025 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Bibigyang-buhay ni Bruce Roeland ang kuwento ng buhay ng isang bugaw sa 'Magpakailanman.'

Si Kapuso actor Bruce Roeland ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Body for Sale," gaganap siya bilang Nelson, isang lalaking pumasok sa mundo ng prostitusyon.

Lumaki sa isang abusive na tahanan si Nelson kaya napariwara ito bilang teenager.

Nang muli niyang makapiling ang inang may cancer, sinubukan niya ang lahat para ipagamot ito.

Pero dahil mahina na ang katawan ni Nelson matapos magbenta ng kidney, mapipilitan siyang pumasok sa pambubugaw para patuloy na kumita ng pera.

Maliligtas ba ni Nelson ang nanay niya gamit ang perang kinita sa hindi magandang paraan?

Bukod kay Bruce, bahagi rin ng episode sina Rita Avila, Pancho Magno, Shyr Valdez, Ashley Rivera, Prince Clemente, Pepita Curtis, at Rosemarie Sarita.

Abangan ang brand-new episode na "Body for Sale," July 5, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.