GMA Logo The Bruce Roeland Story
What's on TV

Bruce Roeland, ibinahagi ang talambuhay sa '#MPK': 'I had to go back to a dark place'

By Marah Ruiz
Published April 20, 2023 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos scrutinizing ratified 2026 budget —Palace
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

The Bruce Roeland Story


Tampok ang talambuhay ni Bruce Roeland sa bagong episode ng '#MPK' kung saan siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili.

Masaya si Kapuso actor and Sparkle star Bruce Roeland sa pagkakataong ibahagi ang kanyang talambuhay sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Mas espesyal pa ang episode para kay Bruce dahil siya mismo ang gaganap sa kanyang sarili.

"I'm beyond grateful na mabigyan ng opportunity, especially to portray myself in a Magpakailanman episode. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na this is happening. It's a dream come true. It's a blessing talaga," pahayag ni Bruce.

Hindi raw naging madali para sa kanya ang ibahagi ang kanyang buhay, lalo na ang malulungkot na bahagi nito.

"Ang dami nagsasabi sa 'kin na 'Bruce, madali lang 'to. Kailangan mo lang i-portray 'yung sarili mo.' Pero siyempre na-challenge ako in some way. For two weeks, as my preparation for this episode, I had to go back to a dark place. I had to reminisce lahat ng mga nangyari before--na kami lang ng mom ko, kinailangan namin lumaban for eight years. Siyempre alam natin lahat na masakit at mahirap balikan ang nakaraan," bahagi ng aktor.

Dahil sa episode, nabigyan din daw si Bruce ng pagkakataon na makatrabaho ang ilang magagaling na co-stars.

"When I go to set naman, it was very light, very serious, very professional. Lalong-lalo na si Ms. Gelli de Belen, she's such a professional, such an amazing actress," kuwento ni Bruce.

"Hindi lang siya, everyone else--si Sir Rob Rownd, 'yung young [version] ko na si Leo. It was fun watching him, fun watching myself as a little kid again," dagdag pa niya.

Pinuri rin ni Bruce si episode director na si Adolf Alix Jr. na nagbigay-buhay sa kanyang life story at nakatulong pa sa magandang performance niya bilang isang aktor.

"I have to praise him for his work. He's an incredible talent pagdating sa craft niya. Everyone in the production was amazing. I want to thank everyone din kasi hindi pa rin ako makapaniwala talaga," sambit ni Bruce.

Umaasa siyang maraming manonood at makakapulot ng aral sa kuwento ng kanyang buhay.

"It's really a dream come true. I'm very excited for this and nervous at the same time. So guys, please support me and I'll see you on screen," pag-imbita niya.

Abangan ang natatanging pagganap ni Bruce Roeland sa sarili niyang talambuhay sa brand new episode na "A Son's Hero: The Bruce Roeland Story," April 22, 8:00 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

SAMANTALA, SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO: