GMA Logo Bruce Roeland
Source: roelandbruce (Instagram)
What's Hot

Bruce Roeland, ipinost sa Instagram ang babaeng nakakuha raw ng kanyang atensyon

By Jimboy Napoles
Published April 21, 2022 6:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Albay bettor wins P25M prize to Superlotto 6/49 - PCSO
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities

Article Inside Page


Showbiz News

Bruce Roeland


Sino kaya itong nakakuha ng atensyon ng Kapuso heartthrob na si Bruce Roeland sa isang resto?

May nakakakilig na post ang Sparkle heartthrob na si Bruce Roeland sa social media na bumenta sa kanyang mga tagahanga.

Makikita sa latest Instagram post ng teen actor ang kanyang dalawang larawan habang nasa ikalawang palapag ng isang resto. Sa kanyang post, sinabi ng aktor na may isang tao raw na nakakuha ng kanyang atensyon.

A post shared by Bruce Roeland (@roelandbruce)

Aniya, "Someone caught my eye."

Kung titingnan naman ng mabuti ang larawan ni Bruce, makikita na ang tinutukoy niya na nakakuha ng kanyang atensyon ay walang ibang kundi ang kanyang onscreen partner at kapwa Sparkle star na si Althea Ablan.

"Tabi na, ibigay niyo na kay Althea ang korona huhu sanaol," komento ng isa sa kanilang tagahanga.

Samantala, patuloy naman na mapapanood sina Althea at Bruce sa season 2 ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

Silipin naman ang quarantined body transformation ni Bruce, sa gallery na ito.