
Hindi naiwasang magkatakutan ng cast ng Shake Rattle and Roll: Extreme nang malaman ang istorya ng kababalaghan na nangyari sa isa sa mga location shoot nito.
Sa episode nitong “Rage,” magkasama ang Kapuso young actor na si Bryce Eusebio at Kapamilya actress na si Jane de Leon.
Minsan daw habang naghihintay na mag-take ng kanilang eksena, na pakanta ng isang lullaby si Jane.
“'Tapos, biglang sinabi sa akin ni Bryce na, 'Ate Jane, alam mo ba na may white lady dito?' Sabi ko, 'Huh? Anong sinasabi mo?' 'Haunted tong school na 'to.' Sabi ko, 'Huh? Wala silang sinasabi sa akin.' 'Tapos, yung time na yun, hindi na lang namin pinanood lahat. Sina Rob alam nila, e, hindi nila sinasabi sa amin, e.'
Dagdag na kuwento naman ni Bryce, “Kasi, yung view ni Ate Jane noon, mayroong mga lighting na nagpi-flicker. 'Tapos, sa likod niya may mga prosthetics, and she was singing it [the lullaby], 'tapos pagod na yung mga mukha [namin]. Natakot ako talaga, so I told her na, 'Ate Jane, alam mo ba kung ano ang meron sa building na 'to?'”
Bagamat wala silang personal na karanasan ng kababalaghan habang nagsho-shoot sa naturang location, hindi naman nila maiwasan ang matakot pa rin sa tuwing naaalala ang kuwento.
Sabi ni Rob Gomez, “Kinuwentuhan po kasi kami ng isang crew member na may isang white lady doon. One kwento led to another hanggang sa umabot sa aming cast as in nagsisitakbuhan kami at nagtatakutan kami. Extreme din siya dahil sa stories at sa location shoot namin.”
Ang tinutukoy nilang location ay minsan nang na-feature sa Kapuso Mo, Jessica Soho. Ito ay isang paaralan na diumano'y may white lady na gumagala. Sa katunayan, naging viral pa noon ang isang larawan na inakalang nakunan ang isang white lady habang isinasagawa ang graduation sa naturang eskuwelahan.
Panoorin dito: