GMA Logo bryce eusebio
What's Hot

Bryce Eusebio, naka-graduate mula junior high school sa kabila ng showbiz commitments

By Jansen Ramos
Published June 6, 2022 6:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PBA: San Miguel escapes NLEX, advances to Philippine Cup semis
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 25, 2025 | Balitang Bisdak
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

bryce eusebio


Nakapagtapos na ng grade 10 ang 'Raising Mamay' actor na si Bryce Eusebio.

Pinatunayan ng Sparkle talent na si Bryce Eusebio na kaya niyang pagsabayin ang showbiz at pag-aaral matapos maka-graduate sa junior high school kamakailan.

Nakapagtapos ng grade 10 si Bryce, na may buong pangalan na Giann Bryce E. Viray, sa Inocencio School sa Pasig.

Bukod sa diploma, iginawad din sa teen actor ang Loyalty Award sa virtual moving up and graduation ceremony ng paaralan para sa academic year na 2021-2022.

Sa ngayon, napapanood si Bryce sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay.

Ginagampanan niya rito ang karakter na Christopher, isang only child. Lumaki siyang malayo ang loob sa inang si Sylvia (Valerie Concepcion) dahil feeling neglected siya nito dahil sa career bilang celebrity.

Kilalanin ang buong cast ng Raising Mamay sa gallery na ito: