
Handa nang magpakilig ang Sparkle stars na sina Bryce Eusebio, Shan Vesagas, at Josh Ford, na mga bagong male cast members para sa ikalawang season ng hit youth oriented show ng GMA Public Affairs na MAKA.
Sa kanyang Instagram account, isang "chill" na video ang ibinahagi ni Bryce kung saan naka-school uniform ito. Sulat niya, "MAKA Season 2 on January 25."
Sa TikTok naman, kasama ni Shan sa video sina Bryce at Josh, maging sina Marco Masa at Sean Lucas.
"Boys of MAKA season 2," caption ni Shan.
@svesagas boys of #MAKAseason2 📚 @GMA Public Affairs ♬ Wag Ipagsabi - Dreycruz & Bert Symoun
Isang cute na video naman ang ibinahagi ni Josh kung saan naka-school uniform ito at may dalang bag. Sulat niya na may hashtag na MAKA, "See ya'll in school."
@joshykosh101 See ya'll in school #Maka #sparklegmaartistcenter #joshford #gma ♬ original sound - felizpapidad
Makakasama rin sa bagong cast ang Sparkle actress na si Elijah Alejo. Abangan sila sa MAKA season 2 soon sa GMA!
SAMANTALA, BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES NG ILANG MGA EKSENA SA SEASON FINALE NG 'MAKA' RITO: