
Trending kamakailan sa YouTube ang highlights ng Prima Donnas kung saan nag-tryout para sa cheerdance ang magkakapatid na Donna Marie (Jillian Ward), Donna Belle (Althea Ablan), at Donna Lyn (Sofia Pablo).
Nag-tryout din sa kaparehong kompetisyon si Brianna (Elijah Alejo) at ang kanyang mga kaibigan kung saan mas nagustuhan ng mga manonood ang sayaw ng magkakapatid na Donna.
Dahit dito, nagkagulo tuloy muli ang apat.
Matapos ang ilang araw, inilabas ng Prima Donnas ang behind-the-scenes video na nagpapakita ng kung ano ang nangyari at paano pinaghandaan nina Jillian, Althea, at Sofia ang trending nilang cheerdance tryout scene.
Panoorin:
Mapapanood ang Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.
Available rin at puwedeng mapanood ang full catch-up episode ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o sa GMA Network App.