GMA Logo Bubble Gang
Source: Bubble Gang
What's on TV

'Bubble Gang' airs on a new timeslot starting December 21

By Aedrianne Acar
Published December 18, 2025 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NASA gives Artemis crew green light to head towards Moon
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang


Pasko na 'More Tawa, More Saya' ang handog ng 'Bubble Gang' sa bago nitong oras ngayong December 21.

'More Tawa, More Saya' ang holidays natin, mga Batang Bubble!

Bukod sa mga hinandang sorpresa ng Bubble Gang ngayong Christmas, mapapanood din ang multi-awarded Kapuso gag show sa bago nitong oras.

RELATED CONTENT: Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special

Simula ngayong December 21, mas marami nang makakahabol sa tawanan natin tuwing Sunday primetime dahil ang Pambansang Comedy Show ay mapapanood na sa oras na 7:15 p.m.

Kaya yayain ang pamilya at barkada na manood ng kuwelang sketches at patok na punchlines mula kina Michael V., Paolo Contis, at Chariz Solomon.

Good times din ang hatid ng mga Ka-Bubble na sina Analyn Barro, Betong Sumaya, EA Guzman, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Cheska Fausto, Matt Lozano, at nina Cartz Udal, Aaron Maniego, Aly Alday, Erika Davis, at Jona Ramos.

Kitakits this Sunday, mga Batang Bubble!

RELATED CONTENT: Meet our newest Batang Bubble barkada!