
Masusubukan ang talent ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown grand winner na si Betong Sumaya sa darating na Biyernes ng gabi, October 1.
Havey o waley kaya si Betong sa pagsabak niya sa #Ka-BubbleChallenge?
Puno rin ng tawanan ang episode ng Bubble Gang this week sa mga hinandang comedy sketches ng creative team ng gag show tulad ng “Magtanong Kay Mang Tañong”, “Kung Pao”, “Away Quarantine” at “Ulo-Ulo Lang.”
Gawing memorable ang first Friday of October sa panonood ng paborito n'yo na Bubble Gang, pagkatapos ng GMA Telebabad sa oras na 10:20 p.m.