Article Inside Page
Showbiz News
The longest running gag show on Philippine TV,
Bubble Gang, will be celebrating its 17
th anniversary this Friday, October 19. Nagkaroon ng pagkakataon nag GMANetwork.com na makapanayam ang ilan sa mga stars nito para alamin ang kanilang mga hindi malilimutang experiences sa show, pati na rin ang mga dapat pang abangan ng viewers sa susunod na mga taon.
The longest running gag show on Philippine TV,
Bubble Gang, will be celebrating its 17
th anniversary this Friday, October 19. Nagkaroon ng pagkakataon nag GMANetwork.com na makapanayam ang ilan sa mga stars nito para alamin ang kanilang mga hindi malilimutang experiences sa show, pati na rin ang mga dapat pang abangan ng viewers sa susunod na mga taon.
Para kay Ogie Alcasid, isa sa mga memorable characters na binigyang buhay niya ay si Boy Pickup. “For this year, siyempre si Boy Pickup. It’s been the highlight of my 17
th year,” he shares.
Ibinahagi din ni Ogie ang mga dapat abangan sa pagsimula ng kanilang 18
th year. “For the 18
th year, abangan niyo ang pagsibol ng iba-ibang bagong characters. At the same time, siyempre ‘yung mga younger actors namin mas magiging active pa sila. ‘Yung ating mga Bubblets will be more involved. Abangan niyo po ‘yun.”
Si Eri Neeman naman, who plays Boy Backup to Ogie’s Boy Pickup, is very thankful sa exposure na nakuha niya mula sa
Bubble Gang. “Grabe actually nung nag-start ‘to.Talagang sumabog para sa akin nung nag-Boy Pickup, as Boy Backup. Naapektuhan in the sense na mas nagha-hi ‘yung mga tao, [tinatawag ako] ‘Boy Backup, ang galing mo!’. Nakakatuwa kasi nagha-hi sa’yo ang mga tao, natutuwa sila sa’yo. ‘Yun ang maganda kapag komedyante ka kasi minsan napapatawa mo ‘yung tao, so gumagaan ang loob nila sa’yo,” kuwento niya.
Nabanggit rin ni Eri na may mga pagbabagong mangyayari sa kanyang character. “As long as gusto pa siya ng tao, tuloy-tuloy pa rin ‘yung Boy Pickup. Siyempre kung nandoon si Boy Pickup, nasa likod niya si Boy Backup. ‘Yung mangyayari ngayon, medyo mag-eevolve ang pag-backup ni Boy Backup kay Pickup. So abangan lang natin ‘yan. Kasi usually sumisigaw lang siya, ngayon mag-iiba ng konti.”
Ang comedy duo naman na sina James at Rodfil Obeso, na mas kilala bilang Moymoy Palaboy and Roadfill, ay hinding hindi makakalimutan ang unang paglabas nila sa naturang gag show. “Siyempre pinaka-memorable pa rin ‘yung first time namin mapadpad sa
Bubble Gang. Kasi out of nowhere, kinuha nila kami which is nakakatuwa and we feel so lucky,” says Rodfil.
Dagdag pa niya, “Siyempre since bata pa lang kami pinapanood na namin ang
Bubble Gang. At idol talaga namin sina Kuya Bitoy at Kuya Ogie na hindi kami makapaniwala na kasama na namin ngayon, nakakasalamuha, nakakausap.”
Nang tanungin sila kung ano ang puwedeng i-expect ng fans nila, ito lang ang nasabi ni James. “Expect the unexpected. Abangan niyo na lang po ang mga susunod na gagawin namin, ‘yung bago naming experiment. Pipilitin naming maging masaya pa rin ang taong ito.”
Panoorin ang limang short films na hatid ng
Bubble Gang in celebration of their 17
th anniversary this Friday, October 19, after
Inside Protégé. --
Michelle Caligan,
GMANetwork.com