
Itigil na 'yang mga away, Kababol.
Piliin n'yo na lang na kiligin at tumawa sa sketches at gags ng award-winning gag show na Bubble Gang this coming February 17.
Abangan ang feeling millennial na si Tito Pancho sa 'Bes Friends' nina Kokoy de Santos at Sef Cadayona.
Walang humpay din kayong tatawa sa funny sketches na 'Kagawad Rex,' 'Pick a Paper,' 'Wala Nang Bawian,' at 'Laman Loob.'
Tampok din sa all-new episode this week ang first Ultimate Runner na si Angel Guardian at Sparkle comedian and vlogger na si Buboy Villar!
Love namin na good vibes kayo tuwing Friday, kaya tumutok na sa epic show ng Bubble Gang ngayong February 17 sa oras na 9:40 p.m.
Mapapanood n'yo rin ang gag show sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
FIND OUT MORE ABOUT SPARKLE BEAUTY ANGEL GUARDIAN IN THIS GALLERY: