
Ang Bubble Gang girls naman ang taya sa pagpapatawa online sa kanilang YouLol Ladies Room edition.
Tampok dito ang ilang Bubble Gang girls na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon, Lovely Abella, Faye Lorenzo, Kim Domingo at Arra San Agustin.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi nila ang konsepto sa likod ng “Ladies Room.”
“Alam n'yo 'yung konsepto na 'yung mga babae 'di ba mahilig sila mag-cr nang sabay-sabay tapos nag-uusap-usap sila sa banyo.
“Pinag-uusapan nila 'yung boys, pinag-uusapan nila 'yung mga problema, pinag-uusapan nila 'yung mga tsismis, parang ganu'n lang 'yung mangyayari,” sabi ni Arra.
Dagdag pa ng Taste MNL host, kinabahan umano siya dahil bahagi ng pag-uusapan sa online session ay ang mga pribado nilang buhay.
“Kinabahan ako kasi siyempre hindi naman lahat ng 'yon, ine-expose ko 'di ba. Hindi naman lahat ng information na 'yon dini-disclose ko.
“Kapag may isang nabuking, sunud-sunod na 'yan. Kailangan lahat na 'yan, damay-damay na 'yan,” aniya.
YouLol brings together the funniest stars of 'Bubble Gang' on May 1!
'YouLoL' Official Music Video | YouOL Squad
Samantala, dahil hindi scripted ang kanilang “Ladies Room” edition, ipinahayag naman ni Chariz na bago pa man magsimula ang YouLol ay nagbahagi na sa sila sa isa't isa ng mga personal na impormasyon. Maaari nila itong magamit laban sa isa't isa sakaling magkabukingan online.
“Mayroon na kaming iba't ibang istorya na na-share sa isa't isa, e. Pang-break lang nu'ng ice. [Tungkol sa] sa mga naka-date namin na sobrang na-embarrass kami. Hulaan n'yo mamaya kung sino 'yung mga nag-load sa mga lalaki. Mga ganun.
“Tsaka 'yung viewers natin kung may tanong din sa 'Bubble Gang' girls, sasagutin din naming 'yon,” sabi naman ni Chariz.
Dahil bukingan time ang konsepto nito, hindi kaya sila mapikon sa isa't isa?
“Hindi talaga pikon ang mga babae sa Bubble Gang. Mga nahasa talaga 'yan nina Paolo Contis, nina Archie Alemania. Nakita n'yo naman kung paano manggulo 'yung si Archie. Walang preno talaga 'tong mga babaeng 'to, lalo na si Lovely,” sabi ni Chariz.
'Bubble Gang' girls join forces in 'YouLol' live chat this May 11
Ang YouLol ay ang pinakabagong Kapuso comedy YouTube channel kung saan pinagsama-sama ang mga pinakamalalaking pangalan sa Philippine comedy, sa pangunguna ng cast ng Bubble Gang.
Puntahan lamang ang YouLol YouTube account para mapanood ang inyong mga paboritong Kapuso stars.
Panoorin ang buong 24 Oras report: