
Walang makapapantay sa tibay ng loob ng Kababol natin na si Ayeka Dacillo na na-feature sa 25th anniversary presentation ng Bubble Gang na hindi nagpatalo sa sunod-sunod na problema.
Mula Tondo, Manila si Ayeka Dacillo na buong puso hinarap ang pagsubok nang ma-diagnosed ng iba-ibang karamdaman.
Ayon kay Ayeka, solid fan na siya ng Kapuso gag show na mahigit dalawang dekada. Aniya, “Taong 1997 fan na po talaga ako ng Bubble Gang dahil sa ate ko po, kasi siya 'yung nagpanood sa akin.”
Para matulungan ang pamilya niya at 11 niyang kapatid, napagdesisyunan nito na maging OFW sa bansang Kuwait.
Kuwento niya sa Bubble Gang, “Labindalawa po kaming magkakapatid, pang-apat po ako, sa labindalawa ako po 'yung kasa-kasama ng magulang ko, noong namatay na po si tatay nai-stop po kami sa pagtitinda sa Divisoria, dahil si nanay po nawalan na po nang gana maghanap-buhay.”
“Doon ko po naisipan na mag-trabaho sa Kuwait. Ang trabaho ko po sa Kuwait ay massage therapist po ako at the same time nagma-manicure at pedicure doon para doble income po ako,” dagdag pa niya.
“'Pag time na breaktime po namin na sa sobrang pagod, nanood po ako ng Bubble Gang, nawawala po 'yung pagod ko, nawawala po 'yung stress ko,” pagbabahagi ni Ayeka.
Tulad ng marami nating kababayan, naging pahirap ang COVID-19 pandemic para sa kanya. “Nagbakasyon po ako sa Philippines, nung pabalik na po ako sa Kuwait bale hindi na po ako nakabalik, dahil po gawa po ng pandemic.”
Ngunit, hindi doon nagtatapos ang mga hamon sa buhay ni Ayeka Dacillo nang ma-diagnosed siya ng may Bell's Palsy at nalaman din niya na may cancer siya.
Pagbabalik-tanaw niya, “Pagpasok po ng January 2021 nagkaroon po ako ng sakit na ang karamdaman na Bell's Palsy po muna. Sumunod na naramadaman ko po cancer po stage one.”
Sa kasamaang-palad tinamaan din si Ayeka ng coronavirus disease.
“So, 'yung pangalawang chemo ko pa lang po nagkaroon po ako ng COVID,” kuwento niya. “Ang payo po sa akin ng doctor ko bawal po daw ako mai-stress, bawal po ako mapagod, bawal po ako malungkot. Kaya manood ako ng mga gag show, saktong-sakto nanood na ako lagi ng Bubble Gang. So malaking tulong sa akin.”
Balikan ang naging sorpresa nina Michael V. at Paolo Contis para kay Ayeka sa anniversary episode ng Bubble Gang last November 26.
Heto naman ang iba pang viral scenes sa Bubble Gang last week sa videos below.
Proud kami sa'yo, Beking Ina!
Bureche, may inaway na OFW!
Buboy Pick Up versus Boy Dahon, simulan na!
Tindahan ni Aling Nena, pugad ng tambay!
Cecilio Sasuman, 'wag sisihin si techer!
Sampalin mo, Cielo, sampalin mo!
Ka-Bubble mula noon 'GANG ngayon!
"Andito Pa Rin Kami" I Online Exclusive
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Related content:
Maureen Larrazabal, binati ang mga dating katrabaho sa 'Bubble Gang' sa kanilang anniversary
Faye Lorenzo on Bea Alonzo's comedic timing: 'Ang galing po niya!'
Level up online conversations with 'Bubble Gang' Viber sticker pack