
Remember mga Kababol, we don't judge, we just want to make you laugh every Friday night!
And this week, hindi lang namin kayo patatawanin, pati kilig sagot na namin.
Wish granted para sa lahat ng JulieVer fans, dahil makikita n'yo magkasama at magpapatawa sina Asia's Limitless star Julie Anne San Jose at Bolera actor Rayver Cruz.
Makikita rin natin ang nakaka-GV performance nina Edgar Allan Guzman at Liezel Lopez, together with the Bubble Gang barkada.
Dapat n'yo rin abangan ang mga hinandang comedy sketches sa July 1 na: “Ang Exhibitionist,” “P-pop Idol audition,” “Maboteng Usapan,” at “National Hipag Day.”
At mapapa-sing-a-along uli kayo sa paborito niyo na segment na “Istambay sa Looban!”
Kaya walang iwanan sa umaatikabong tawanan with Michael V. and the whole Bubble Gang fambam, ngayong July 1 sa oras na 9:40 p.m., pagkatapos ng GMA Telebabad.
Heto naman ang ilan sa sexiest photos ng paborito n'yo na Bubble Gang babes sa gallery na ito.