
Mga Kababol, mapo-fall kayo dahil sandamakmak na laugh trip at punchlines ang mapapanood n'yo sa numero unong gag show ng bansa na Bubble Gang ngayong September 24.
Tatlong multi-talented Kapuso stars ang magpi-flex ang husay nila sa comedy. Ito ay sina Magandang Dilag star Herlene Budol, Sparkle actress-singer Angel Guardian, at Voltes V: Legacy actor Matt Lozano!
Hindi n'yo rin dapat palampasin ang ga sketches na tiyak magugustuhan n'yotulad ng: "Nasa'n ang Boss Mo?" "Bagyong Marites," "Bobong Kidnapper," at "Pa-cute Bahay Gang."
Mas piliing tumambay sa bahay ngayong September 24 at manood ng nakaka-GV na episode ng Bubble Gang sa bago nitong oras na 6:00 pm, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.