
Ramdam ang Sangˈgre fever this Sunday night sa Bubble Gang!
Kaya para good vibes ang pagtatapos ng weekend n'yo, mga Encantadiks, panoorin ang spoof ng Kapuso gag show sa kinahuhumalingan na megaserye sa primetime.
Kilalanin ang mga pasaway na ''Ang'gre" na sina Adamot (Kokoy de Santos), Pakelamarra (Chariz Solomon), Hindeia (Analyn Barro) at Laiterra (Buboy Villar).
Bukod sa mga funny sketches na hinanda ng Bubble Gang team, makakasama rin natin ang mga celebrity guests na sina Ashley Rivera, Angelica Hart, at Derrick Monasterio!
Mapapa-'More Tawa, More Saya' kayo sa Bubble Gang ngayong August 3 sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: Bubble Gang viral clips in 2024