What's on TV

'Bubble Gang' ladies, may mga pagkakataon bang nagiging 'uncomfortable' sa mga ginagawang eksena sa gag show?

By Aedrianne Acar
Published November 11, 2019 2:58 PM PHT
Updated November 11, 2019 5:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang ladies naiilang ba sapaggawa ng eksena sa gag show


Nakakaramdam ba ang 'Bubble Gang' ladies na sina Chariz Solomon, Valeen Montenegro, at Lovely Abella ng pagkailang sa mga ginagawa nila sa gag show?

Bagama't sexy ang ilang sketch at gags ng longest-running gag show na Bubble Gang, isinasaalang-alang pa rin ng production at creative team kung papasa ba ang mga ito sa kanilang female cast members.

Sa grand media conference ng gag show para sa kanilang 24th anniversary, iisa ang sinabi nina Lovely Abella, Chariz Solomon at Valeen Monetengro -- walang pagkakataon na may ginawa silang 'uncomfortable' sa Bubble Gang.

The ScAvengers: 'Bubble Gang' celebrates 24th anniversary with two-part superhero telemovie special

Paliwanag ni Lovely, "Sa akin naman po, wala naman po.

"Parang kapag may script po na hindi lang maayos 'yung mga jokes sa dulo, inaayos naman at pinag-uusapan namin kung ano 'yung magandang pangdulo namin. Pero sa amin naman po wala namang ganun."

Sinegundahan naman ito ni Chariz, at binigyan-diin na lahat ng pinapagawa sa kanila ay pinag-uusapan bago nila i-shoot.

Wika niya, "Ako wala ever since, kasi sinabi halimbawa 'yung pinaka-common na problem 'yung pagsuot ng swimsuit. Actually pinapabawasan pa 'yung akin.

"Ako kasi I'm very comfortable with my skin. Ako, laban kasi ang saya-saya ko maghubad, char!

"'Yun lang, wala naman kasi dito open naman 'yung communication, healthy naman 'yung communication, so kung ano man 'yung parang kumportable ka, go!

"You just tell them. Mag-a-adjust naman eh, okay naman,"

Ayon kay Valeen, lahat din naman ng sinusulat na sketch at gags ay for TV consumption kaya imposible na makaramdam sila ng pagkailang.

"Idagdag ko lang dun sa sinabi ni Cha (Chariz Solomon), wala din naman po masusulat 'yung writers and 'yung prod na hindi rin puwede i-ere sa TV para hindi kami maging comfortable sa mga mangyayari sa set."

Huwag papahuli sa two-part anniversary special ng kinahuhumalingan ninyong gag show for 24 years. Makitawa with Bubble Gang's 'The ScAvengers' this November 15 and 22 pagkatapos ng One of the Baes sa GMA Telebabad.

Diego Llorico at Mykha Flores, naging emosyonal nang mapag-usapan ang pagiging bahagi ng 'Bubble Gang'

Michael V. enumerates preferred qualities of aspiring talents of 'Bubble Gang'