
Magsasama sa Bubble Gang ang dalawa sa pinakamalaking mga pangalan pagdating sa komedya sa bansa ngayong December 24!
Tiyak na ang isang daang porsyento na tawanan kasama ang comedy genius na si Michael V. at seasoned TV and movie actress na si Eugene Domingo!
KAPUSO CHARACTERS OF EUGENE DOMINGO
Mas merry din ang Christmas Eve dahil sasamahan tayo nina Rocco Nacino, Jak Roberto, Angel Guardian, at Max Collins.
Abangan ang bigating celebrity guests sa paghahatid nila ng good vibes sa mga sketch na "White Christmas," "Two Santas," "Naughty List," at sa "Pie ang Ting."
Tuloy lang pagbibigay ng #BestChristmasEver ng Bubble Gang ngayong Linggo, December 24, sa bago nitong oras na 7:15 p.m.