
Tama na ang bitterness ngayong Love Month at mag-enjoy sa good vibes na hatid ng Bubble Gang ngayong February 8.
Siguradong maaaliw kayo sa bagong courier service na tampok sa Kapuso flagship sitcom this weekend. Para sa mga bitter-ex diyan, heto na at i-book n'yo na ang "Return to Ex"!
Matatawa rin kayo sa mga paborito n'yo na sketches na "Agresibo with Emil Maangil" at "Kulot en Kulet".
Kaya abangan ang funny moments with multi-awarded comedian Michael V. kasama sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Analyn Barro, Betong Sumaya, EA Guzman, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Cheska Fausto, at Matt Lozano.
Hindi rin magpapaawat sa good vibes sina Cartz Udal, Aaron Maniego, Aly Alday, Erika Davis at Jona Ramos!
RELATED CONTENT: Balikan ang masayang happenings sa 'Bubble Gang''s 30th anniversary special
Nood na ng all-new episode ng paborito n'yo na Bubble Gang sa oras na 7:10 p.m. ngayong February 8 sa Sunday Grande sa gabi.
RELATED CONTENT: Meet our newest Batang Bubble barkada!