
Hindi kayo titipirin ng longest-running at multi-awarded comedy show na Bubble Gang sa paghahatid ng 'More Tawa, More Saya' moment sa Sunday Primetime!
Kaya ngayong March 2, ihanda ang mga panga n'yo sa matinding tawanan na ibibigay ng Ka-Bubble barkada at sketches na mapapanood n'yo tulad ng 'Away Debate,' 'Star Witness,' at parody ng comedy show na TBATS.
Sasama rin sa good times natin this weekend ang Sparkle actresses na sina Liezel Lopez at Elle Villanueva!
Kaya para sa mas nakaka-GV na end ng week, nood na ng Bubble Gang sa Sunday Grande sa gabi (March 2) sa oras na 7:15 p.m.
RELATED CONTENT: