What's on TV

Bubble Gang: Puso ang mangingibabaw sa 25th anniversary special

By Aedrianne Acar
Published November 23, 2021 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

South Korea says it's considering energy vouchers, boosting coal and nuclear power
Lalaking may bukol sa mukha, naoperahan sa ilalim ng operation bukol project ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng UST Hospital
Mga Babaeng Police, Nagpakita sa Katakos sa Pag-responde sa Alarma sa Bomba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang anniversary special


Kayo ang bida mga Kababol sa aming big celebration this year!

Mahigit dalawang dekada na tayo pinapatawa ng flagship comedy program ng GMA Network na Bubble Gang, pero sa likod ng success ng show ang milyun-milyong Kababol na walang sawa ang suporta simula nang umere ito sa telebisyon noong 1995.

Kaya bilang pasasalamat sa kanila, bibida sa "Ka-Bubble mula noon 'Gang ngayon" 25th anniversary presentation ang ilan sa loyal fans ng show.

Sa panayam kay Bubble Gang Senior Program Manager Cecille R. De Guzman, ibinahagi niya ang magiging theme ng kanilang episode this coming November 26.

“So, we thought of a concept na: ano nga ba 'yung punto ng 25 years? Bukod sa pag-celebrate ng lahat ng mga katatawanan na naihandog ng programa for the past 25 years, it's all about being together, 'yung mga sumuporta sa programa for the past 25 years we want to celebrate that.

“To give back to them, we want to say, 'Importante kayo at inspirasyon kayo sa programa.'”

Sit back and relax mga Kababol fam at hayaan n'yo kaming pasayahin namin kayo with the grand anniversary episode ng No. 1 at hindi mapantayang gag show on Philippine TV.

Let's chew it mga Kapuso, this coming November 26!