
Muling pinatunayan ng longest-running gag show na Bubble Gang na numero uno sila sa puso ng mga manonood tuwing Biyernes ng gabi.
Noong May 27, pinakita na ng Kapuso gag show ang mas pinasaya at pinagandang episode, kung saan tampok ang mga bagong segment at sketches, para sa kanilang much-awaited relaunch.
May hatid rin good vibes ang episode dahil nagbalik ang isa sa most-love characters ni Michael V. na si Tata Lino. Nasaksihan din ng Bubble Gang fans ang husay ng bagong members na sina Tuesday Vargas, Kim de Leon, Faith da Silva, at Dasuri Choi.
Kaya naman mas tinutukan ng higit sa nakararami ang May 27 episode ng Bubble Gang, na nakapagtala ng mas mataas na TV ratings na 6.9 percent, ayon sa datos ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings.
INSET: bubble gang rating
Source: Bubble Gang on Facebook
Muli maraming salamat sa patuloy na pagsuporta sa Bubble Gang kaya naman patuloy na nangunguna!
Kung nabitin kayo sa tawanan, panooring ang highlights ng episode sa ibaba:
Kilalanin ang mga bagong Bubble Gang members magpapangiti sa inyo tuwing Biyernes, 9:40 p.m., pagkatapos ng GMA Telebabad sa gallery na ito.