
Mainit man ang panahon, tiyak mapapa-cool down at mare-relax kayo sa inaabangan na two-part Bubble Gang summer special.
Siksik ang tawanan, kulitan, at siyempre mas titindi ang temperatura sa mga nagagandahan at nagse-seksihang guest celebrity na sasama for more fun under the sun.
May pasilip na ang longest-running gag show sa mga eksena na mangyayari sa summer special sa pangunguna ng multi-awarded comedian na si Michael V.!
Kasama rin niya sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Analyn Barro, Buboy Villar, Kokoy de Santos, EA Guzman, Cheska Fausto, Diego Llorico, at Matt Lozano.
Sino-sino kaya ang mga hottie na makiki-join sa two-part summer episode? Alamin DITO!
Kaya for “More Tawa, More Saya” moments at updates tungkol sa Bubble Gang summer special, please visit GMANETWORK.COM.
RELATED GALLERY: MEET YOUR KA-BUBBLE GRADUATES