
Grabe ka, Tito Boy!
Walang duda na isa sa highlight ng Bente O-chew anniversary special ng Bubble Gang this year ang guesting ng “King of Talk” na si Boy Abunda.
At talagang hindi tayo binigo ng award-winning gag show ng bansa, dahil ang sketch kung saan bida si Tito Boy naging viral online at umani na ng mahigit one million views sa Facebook.
Sa nasabing sketch, nag-'Fast Talk' si Boy para malaman kay Tay (Michael V.) ang ilang detalye tungkol sa kanilang mana.
Nakasama rin nina Direk Michael at Tito Boy sa patok na sketch sina Chariz Solomon, EA Guzman, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Analyn Barro, at Paolo Contis.
HERE'S SOME TRIVIA ABOUT THE AWARD-WINNING HOST BOY ABUNDA:
Ayon sa highly-respected showbiz figure na first-time niya na makapag-guest sa isang gag show.
“I will always remember it because this is the first time I've done a gag show. And what an honor it is that my first gag show is Bubble Gang,” ani Tito Boy.
“Dumating ako sa set na sobrang tiwala na I was in good hands, I was in a happy and safe territory. Hindi rin naman lingid sa publiko ang paghanga ko kay Michael V. at sa lahat ng bumubuo ng programang ito.”