
Sigurado gaganda ang gabi n'yo sa katatawa, mga Batang Bubble, dahil ilan sa mga favorite ninyong Sparkle talents ang makikisaya this Sunday!
Ready maghatid ng good vibes sa inyo ang Sang'gre actress na si Angel Guardian at magbibigay rin ng happy pill sa inyo ang mga bida ng afternoon soap na Born to Shine na sina Michael Sager at Zephanie.
Kukumpletuhin din ng Bubble Gang barkada ang tawanan sa pangunguna ng award-winning comedian na si Michael V. kasama sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Analyn Barro, Betong Sumaya, EA Guzman, Kokoy de Santos, Buboy Villar, Cheska Fausto, Matt Lozano, at nina Cartz Udal, Aaron Maniego, Aly Alday, Erika Davis at Jona Ramos.
RELATED GALLERY: Prime stars featured on 'Bubble Gang''s 30th anniversary special