
Nakilala na natin ang Kapuso actress na si Kim Domingo hindi lamang sa kanyang sexy roles noon, kundi mas lalo tumingkad ang kanyang showbiz career nang mapasama sa longest-running gag show na Bubble Gang.
Pero lingid sa alam ng marami, pangarap ni Kim ang maka-compose ng sarili niyang kanta.
Kaya naman nasa proseso na siya ngayon ng paggawa ng kanyang first-ever single na siya mismo ang sumulat.
Sa Instagram post ng Kapuso comedienne, sinabi nito na gusto niya ibinahagi ng kanyang experiences sa buhay sa pamamagitan ng musika.
Aniya, “As far as I can remember, I have a strong liking for music. One of my longtime dreams is to write my own song. I feel I can share all my talents, stories and experiences, good or bad, through my music.
“I finally decided to make this into a reality. Now I am working on writing and composing my first ever original song. Crossed fingers”
Matatandaan na nakapag-release na ng kanta si Kim Domingo via GMA Music (formerly GMA Records) noong 2016 na may title na “Know Me.” Kinompose ito nina Edmund Macam Perlas, Carlo Ferrer Santos, at Jun Lee.
Kilalanin pa ng husto ang Bubble Gang comedienne sa gallery na ito!
Related Link:
Behind the scenes: Kim Domingo's 'Know Me' music video