What's on TV

'Bubble Gang' stars, maglalaro sa 'Celebrity Bluff'

By Cherry Sun
Published August 20, 2020 4:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nearly 5T PUJ operators, drivers in NorthMin to get P5K aid
Who is Laura Siegemund? Alex Eala’s Round of 64 opponent at the Miami Open
'Make Your Marc' celebrates its Season 3 launch with an unforgettable prize for two!

Article Inside Page


Showbiz News

Bubble Gang stars on Celebrity Bluff


Ang mga ka-Babol na sina Gwen Zamora, Antonio Aquitania, Chariz Solomon, Boy 2 Quizon, Rufa Mae Quinto at Diego ang magkikipagkulitan kina Eugene Domingo at celebrity bluffers ngayong Sabado, August 22!

Sanib-puwersa ang mapapanood na katatawanan sa Celebrity Bluff dahil Bubble Gang stars ang maglalaro ngayong Sabado, August 22.

Bubble Gang stars on Celebrity Bluff

Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.

Paniguradong magiging riot naman ang palitan ng kaalaman at katatawanan dahil mga Ka-Babol ang maglalaro. Maglalaban-laban ang team nina Gwen Zamora at Antonio Aquitania, nina Chariz Solomon at Boy 2 Quizon, at nina Rufa Mae Quinto at Diego.

Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?

Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.