GMA Logo Michael V has a reminder for voters
Source: 24 Oras
What's on TV

'Bubble Gang' stars, may paalala para sa mga botante ngayong Eleksyon 2025

By Aedrianne Acar
Published May 7, 2025 10:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V has a reminder for voters


Mga Ka-Bubble, maging matalino at mapanuri sa darating na botohan sa May 12.

Bago tayo pumili ng mga susunod na lider ng bansa sa darating na Eleksyon 2025, nag-iwan ng payo ang mga Ka-Bubble na sina Michael V. at Paolo Contis para sa mga botante.

Nakapanayam ng 24 Oras ang dalawang mahusay na Kapuso comedian sa ginagawa nilang "secret project."

Ayon kay Paolo, nasa kamay ng mga botante para maging masagana ang buhay nating lahat sa Pilipinas.

Paliwanag niya sa Chika Minute, “Aba! Kailangan lang tayo maging matalino at huwag magpapadala sa mga pangako na napako na dati. It's time for us para maging smart ngayon, tayo ang may hawak nung alas. So, it's up to us para maging masagana ang ating buhay.”

Sinegundahan naman ito ng award-winning comedian na si Direk Bitoy na sinabing, “Basta, piliin mo kung sino 'yung iboboto mo. Iboboto mo ba e makakatulong sa bansa natin o magiging pabigat lang?”

Bubble Gang stars Michael V Paolo Contis

Source: 24 Oras

Naghahanda na rin ang Bubble Gang para sa nalalapit nilang grand 30th anniversary at isa sa mga pasabog nila para dito ang Bubble Gang ng Bayan!

Ano kaya ang hinahanap nila sa mga bagong talent ng longest-running gag show?

Paliwanag ni Michael V., “Siyempre gusto natin 'yung Gang na word sa Bubble Gang, e, maging totoong Gang talaga. Mas malaki, mas malawak 'tsaka mas maraming nasasakop tao, 'tsaka humor sa society.

“Actually, 'yun naman 'yung pag-adapt natin sa bagong comedy ika nga di ba? We are looking for new talents na dalawang ways 'yan, e. May matutunan kami for sure, at the same time matuturuan din namin din sila nung Bubble Gang way of comedy ika nga. So, it's one way of making sure na ang Bubble Gang will last,” dagdag naman ni Paolo.

RELATED CONTENT: Male stars na hinubog ng 'Bubble Gang' sa pagpapatawa