
Rest in peace, Direk Uro.
By AEDRIANNE ACAR
Isang malungkot na balita ang bumungad sa cast ng longest-running gag show ng bansa na 'Bubble Gang' kahapon matapos mapaulat ang pagpanaw ng magaling nilang direktor na si Uro dela Cruz.
'Bubble Gang' director Uro dela Cruz passes away
Bilang pagkilala iginuhit ng Kapuso comedy genius Michael V ang batikang direktor bilang tribute nito sa katrabaho at matalik na kaibigan.
Sa post naman ni Rufa Mae Quinto sa Instagram, tinawag niya si Direk Uro bilang 'henyo' pagdating sa comedy at sobra niya itong ma-mi-miss.
"Love you Direk Uro. I will fight for what we believed in comedy and gags and #bubblegang ! I will miss you and I will never forget the genius.. #PhilippineDirector."
Kinagulat naman ni Max Collins na miyembro ng 'Bubble Shaker' ang pagkamatay ng kanilang direktor.
"I'm so shocked to see this right now. Rest in peace direk Uro."