
Kung hanap n'yo ang tawanan at relaxation this Friday night, dapat lang kayo umuwi nang maaga mga Kababol.
Dahil hitik sa good vibes ang mga sketch, segment, at gags na hinanda ni Michael V. together with the whole Bubble Gang barkada.
Sasamahan pa tayo ng mga beautiful at funny guests natin na sina Tuesday Vargas, Kelley Day, Myrtle Sarrosa, MJ Lastimosa, at TikTok star na si Lottie B.
Makakasama rin natin sina Buboy Villar, Saviour Ramos, Jay Arcilla at Kim De Leon!
Abangan ang extra funny scenes sa 'Pumapatiktak ang ulan with Mang Nani', 'Master Wushu', 'Money Haist', Ang Wallet ng Masuwerte, 'Family Business' at 'Ulo-Ulo Lang.'
Mapapa-big yikes kayo sa cringey moments sa 'Bes Friends' at madami kayo matutunan sa sketch na 'Common Sense Teacher.'
Ganyan namin kayo ka-Love, mga Kababol. Kaya nood na ng LOL moments na hatid ng Bubble Gang this coming April 29 sa bago nitong oras na 9:40 p.m.