
Sagot na ang Bubble Gang barkada, sa panguguna ng multi-awarded comedian at creative director na si Michael V., ang pampawi ng stress n'yo sa nagdaang Linggo.
Makikisaya pa sa kulit episode ng Kapuso gag show this Friday night sina Katrina Halili, Kevin Sagra, at Max Collins.
Pasok rin sa panlasa n'yo mga Kababol ang mga nakakaaliw na sketches na "Istambay," "Computer Effects," "Richie and Poorly," "Ampon Ako," at "Basa Basa Pik."
Kaya samahan kami sa isang laugh out loud episode sa paborito ninyong Bubble Gang ngayong May 13 sa bago nitong oras na 9:40 pm.