
Big ang love na ipinakita ng audience at mga loyal Ka-Bubble sa part-one ng 29th anniversary special ng Bubble Gang.
Pinamagatang “BaliSong BENTENUEBE” ang anniversary presentation ng longest-running gag show this year at base sa datos na nakalap ng NUTAM People Rating, nakamit ng flagship comedy program ng GMA-7 ang 13.8 percent TV ratings na mas mataas sa mga katapat nitong programa.
Ilan sa mga celebrities na nakisaya sa episode noong November 17 ay sina Abot-Kamay na Pangarap star Pinky Amador, Michael Sager, at Running Man PH Ultimate Runner na si Angel Guardian.
Samantala, kinumpirma naman sa isang panayam ni Rabiya Mateo sa PEP.Ph na official cast member na siya ng Bubble Gang kung saan pioneer nito ang award-winning comedian at content creator na si Michael V.
Kabilang din sa mainstay ng Kapuso gag show sina Paolo Contis, Chariz Solomon, Betong Sumaya, Analyn Barro, EA Guzman, Buboy Villar, Kokoy de Santos, Cheska Fausto, at Matt Lozano.