
Maghahatid ng kilig vibes ang tambalan nina Sparkle stars Buboy Villar at Faith Da Silva sa bagong musical fantasy series ng All-Out Sundays na “Engkanto Academy.”
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend, inilahad ni Buboy na isa siya sa mga nagkaka-crush sa kanyang kapwa Sparkle artist. Katunayan, mayroon ding pinanggagalingan ang pagiging malapit ng dalawa sa isa't isa.
“Matagal ko nang kilala si Faith, as in sobrang bata pa lang siya,” ani Buboy.
Pagbabahagi naman ni Faith, “Mga six, seven years old, magkakilala na kami. Hindi pa ako artista noon pero siya nag-aartista na siya. Active na siya noon.”
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
“Sa dami ng kalalakihan, ang daming may nagkaka-crush sa 'yo Faith at hindi ko naman masabi na isa rin ako roon kasi siyempre, 'di ba? Maganda si Faith,” patuloy naman ng actor-comedian.
Bukod kina Buboy at Faith, kabilang din sa mga tauhan ng nasabing musical sina Kapuso stars Matt Lozano, Sef Cadayona, Crystal Paras, Pekto, at Pokwang, na gaganap bilang ang prinsipal na si Mrs. Balete.
Ang “Engkanto Academy” ay iikot sa mga nakatutuwang istorya ng mga buhay ng mga engkanto habang nasa isang boarding school at tiyak na magbibigay ito ng saya at kilig sa mga manonood tuwing Linggo.
Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.
SILIPIN ANG HOTTEST PHOTOS NI FAITH DA SILVA SA GALLERY NA ITO.