GMA Logo buboy villar jelai andres
PHOTO COURTESY: buboyvillar (IG)
What's on TV

Buboy Villar at Jelai Andres, magsasalita tungkol sa rumored budding romance nila sa 'TBATS!'

By Dianne Mariano
Published February 18, 2023 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang aso, nakaranas ng kalupitan
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

buboy villar jelai andres


Abangan ang first TV interview nina Sparkle actor-comedian Buboy Villar at vlogger-actress na si Jelai Andres sa 'TBATS' ngayong Linggo.

Patuloy na ipagdiriwang ng The Boobay and Tekla Show ang buwan ng pag-ibig sa pamamagitan ng isa pang kilig episode, kung saan tampok ang isa sa mga paboritong "love teams" sa social media.

Ibabahagi nina actress Jelai Andres at Buboy Villar ang kanilang pagkakaibigan at rumored budding romance sa kanilang pinakaunang TV interview.

Ilalahad din nina Jelai at Buboy ang nakatutuwa at nakaiintrigang facts tungkol sa isa't isa sa segment na “LaughLagan Na.”

Bukod dito, pag-uusapan din ng dalawa ang mga pinagdaanan nila matapos ang paghihiwalay sa kanilang ex-partners at kung paano nila sinuportahan ang isa't isa sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Mapapanood din ang fun-filled game na "Guess The Mystery Word," kung saan mayroong two teams na pinamumunuan nina Buboy at Jelai. Sa larong ito, maglalaban ang dalawang teams sa panghuhula ng mga salita at phrases sa tulong ng clues.

Huwag palampasin ang all-new episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, February 19, via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SILIPIN ANG SWEETEST MOMENTS NINA BUBOY VILLAR AT JELAI ANDRES SA GALLERY NA ITO: