
Ang celebrity BFFs na sina Buboy Villar at Jelai Andres ay kilalang sobrang kwela lalo na kapag magkasama sila sa pagba-vlog.
Sa pinakabagong vlog ng social media influencer at actress na si Jelai, mapapanood na muling nakasama ng una ang kaibigan niyang comedian-actor at host na si Buboy.
Ang bagong video na inupload ni Jelai sa YouTube ay may title na, “Finally.”
Sa naturang content, natunghayan ng netizens na magkasama silang dumalo sa isang big event ng kanilang skincare brand na pareho nilang ineendorso.
Naging busy man sa kani-kanilang career, nagkaroon sila ng pagkakataon na muling magkulitan at mag-bonding.
Sa dulo ng vlog, mapapanood na iniabot ni Jelai ang pasalubong niya para kay Buboy noong manggaling ang una sa Zamboanga.
Tuwang-tuwa si Buboy dahil alam na alam ni Jelai kung ano ang kanyang mga paborito.
Umani ng positive comments ang bagong vlog nina Buboy at Jelai.
Ang ilan, labis na hinangaan ang kanilang samahan hindi lang bilang co-celebrities ngunit tunay na magkaibigan.
Sa kanilang previous vlogs, napanood sina Buboy at Jelai na madalas silang magkasama sa pagbabakasyon kasama ang iba pa nilang kaibigan at madalas din nilang sinosorpresa at ipina-prank ang isa't isa.
Panoorin ang bago nilang vlog dito:
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Jelai at Buboy nang maging magkatrabaho sila sa television drama romantic comedy series na Owe My Love na ipinalabas sa GMA noong 2021.